BAWAT BUHAY MAHALAGA SA DSWD, LIVE! RADIO PROGRAM

AFP DWDD 1134 kHz AM

𝐓𝐔𝐍𝐆𝐇𝐀𝐘𝐀𝐍 I Naging tampok ang Regulatory Services sa BAWAT BUHAY MAHALAGA SA DSWD, LIVE! RADIO PROGRAM na sumahimpapawid sa AFP DWDD 1134 kHz AM. Ipinaliwanag ni Standards Bureau Director, Atty. Justin Caesar Anthony D. Batocabe ang ilan sa mga Regulatory Services ng DSWD tulad ng pagrehistro at paglisensya ng mga pribadong organisasyon at pag-akredit ng mga programang pangkagalingan at panlipunan ng mga pribado at pampublikong ahensya, at pagbibigay ng DSWD permit sa mga nagnanais na magsagawa o mangalap ng pondo mula sa publiko para sa panlipunan, pampublikong kapakanan, at mga layunin ng kawanggawa.
Kasama ni Director Justin Batocabe ang isa sa mga duly licensed and accredited SWDA at isa sa mga ABSNet Officer ng Regional ABSNet Region 02 ang ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES COMMUNITY DEVELOPMENT CENTER FOUNDATION, INC. Executive Director Ms. Noemi T. Cabaddu.
Panoorin ang video clip upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa Regulatory Services!
Tandan! 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮 𝗹𝗶𝘀𝗲𝗻𝘀𝘆𝗮𝗱𝗼 𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗲𝗵𝗶𝘁𝗶𝗺𝗼, 𝗯𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗮𝘆 𝘁𝗶𝘆𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼.