Mabuhay ang Pilipinong Social Workers!
Sumasaludo ang Standards Bureau (SB) sa lahat ng social workers sa bansa, kaisa sa pagdiriwang Filipino Social Workers’ Day noong Hunyo 19 na may temang, “Mula sa Harambe tungo sa Bayanihan: Panawagan sa Pagbuklod, Paghilom, at sama-samang Pagkilos ng Social Workers mula sa Bayan.”
Ang selebrasyong ito ay kumikilala sa mahalagang kontribusyon ng mga panlipunang manggagawa sa pagtataguyod ng kagalingang pantao at nagbibigay ng serbisyo nang may “extra love” and “extra care.”
Nilagdaan ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1176, na nagdeklara sa araw ng Hunyo 19 bilang Filipino Social Workers’ Day, upang kilalanin ang natatanging tungkulin ng mga social worker sa nation-building.
Maraming salamat sa inyong mahalagang kontribusyon sa lipunan! (MGCBA)